Sana’y hindi maramdaman ng mahihirap na mas mahaba ang kumot ng mayayamanSana’y hindi maramdaman ng mahihirap na mas mahaba ang kumot ng mayayaman

[EDITORIAL] Mamaluktot kapag kapos ang kumot — pero sana all

2026/03/30 12:10
3 min read
For feedback or concerns regarding this content, please contact us at [email protected]

Lumulutang na ngayon ang salitang stagflation sa bokabularyo ng international market analysts — ibig sabihin stagnation o mahinang paglago + mataas na inflation. Ito’y sa harap ng disruption na sanhi ng pagsasara ng Strait of Hormuz, ang lagusan ng 25% ng krudo ng buong mundo.

Fuel, Oil Crisis, Iran, US, Israel, Philippines

Habang papasok sa krisis na ito nasa 45% ang disapproval at 44% distrust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nagbuo ng komite si BBM kung saan siya ang chairman: ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport o UPLIFT. “Safeguarding national interest by mitigating the impact of the conflict in the Middle East” ang mandato nito.

At tila interventionist ang diskarte. Pero ano ang overall strategy?

  • Pagpigil sa hoarding at price manipulation
  • Pagtatalaga ng thermostat levels sa public buildings
  • Carpool advisories
  • Suspending the fare hike
  • Building reserves. May sapat daw na supply ang bansa ng oil hanggang June 30 matapos mag-angkat ang Petron ng krudo mula sa Russia. Non-traditional supplier ito dahil limang taon nang hindi nag-aangkat ang Pilipinas sa Russia na tila may unspoken embargo laban sa aggressor ng Ukraine war.
  • Pantawid pasada program. Subsidy ito para sa transportation sector.
  • Four-day work week. Bahagi ng pagtitipid ng konsumo ng kuryente.
  • Repatriation ng OFWs sa high-risk areas ng Middle East.

Sabi pa ng pamahalaan tungkol sa UPLIFT: trabaho raw nitong pangalagaan ang “vulnerable sectors.” Pero wala tayong granular na planong naririnig na pro-people (na maaaring unpopular sa business at industries sector.) Halimbawa:

Kailan ipatutupad ang fare hike na magbibigay ng konting breather sa mga tsuper?

Sa harap ng peso depreciation, may wage hike bang pinag-aaralan na magre-restore ng purchasing power ng ordinaryong manggagawa to pre-crisis levels?

Sabi ng ekonomistang si JC Punongbayan, regressive daw ang planong excise tax cuts dahil ang talagang makikinabang ay mayayaman na maraming kotse. Malaking revenue ang mawawala sa gobyerno na mapupunta sana sa serbisyo, at mahirap daw itong bawiin pag laon.

Sana’y gawing front and center ang fuel subsidies sa transport workers na talagang nakatirik na ang mga mata ngayon sa tindi ng hagupit ng fare freeze + inflation. May plano rin para sa ayuda sa farmers and fisherfolk in the form of cash subsidies, pero sana hindi press release lang.

At sana ayuda itong hindi nakadepende sa politiko. Malinaw naman na ipinagbabawal ng GAA ang partisipasyon ng mga pulitiko habang namimigay ng government aid, pero tila this is observed more in the violation.

May mga komento nang binibitiwan ang mga CabSec na naganap ang giyera “na wala tayong kinalaman.” Tama. Pero sa harap ng krisis na nilikha ng external forces, sana’y maging honest at makatotohanan ang gobyerno sa lagay ng enerhiya at pananalapi. 

“Manageable” ba talaga ang sitwasyon? Sana’y huwag nang i-downplay ang tindi ng problema, upang maintindihan din ng taumbayan ang papel nila sa pagtitipid at paghihigpit sinturon.

Sa panahong maiksi ang kumot, lahat tayo’y walang magagawa kundi mamaluktot. Pero sana all. Sana’y hindi maramdaman ng mahihirap na mas mahaba ang kumot ng mayayaman. Sana’y umiwas lahat sa displays of wealth — lalo na ‘yung mga mambabatas na under scrutiny ang pinanggalingan ng yaman.

But speaking of economic survival, mapunta naman tayo sa political survival. Dapat ding tingnan ni Pangulong Marcos na pagkakataon itong makabawi sa taumbayang naghalal sa kanya. Kung ang impression dati ay mabagal at puro PR, sana’y maging oportunidad itong ipakita na siya’y hard-working president, as opposed to his Vice President who refuses to face the music in her impeachment hearings.

Pero sana hindi lang pakitang-tao kundi bukal sa loob na hard work. Maging malinaw sana na prayoridad ng gobyerno sa panahon ng krisis ang kapos-palad at mahihirap. – Rappler.com 

Market Opportunity
Massa Logo
Massa Price(MAS)
$0,00387
$0,00387$0,00387
+1,84%
USD
Massa (MAS) Live Price Chart
Disclaimer: The articles reposted on this site are sourced from public platforms and are provided for informational purposes only. They do not necessarily reflect the views of MEXC. All rights remain with the original authors. If you believe any content infringes on third-party rights, please contact [email protected] for removal. MEXC makes no guarantees regarding the accuracy, completeness, or timeliness of the content and is not responsible for any actions taken based on the information provided. The content does not constitute financial, legal, or other professional advice, nor should it be considered a recommendation or endorsement by MEXC.